Wednesday, March 29, 2006

im home

came home last thursday afternoon...
ok naman, same routine, sterile room, plenty of meds, iwas muna sa tao, etc.
hinde ako makapost kasi busy ako sa Pangya...(yup online level-up golf game)
o sya, until my next post...di bale, paghahandaan ko yun...

XOXOX thank you sa lahat ng mga taong patuloy na nakakaalala, nagdarasal, nagtetext, tumatawag, dumadalaw, etc...gasgas na, pero hindi niyo talaga alam kung gaano kalaki ang impact sa akin nito, at napapasaya niyo ako in a very indescribable way...God bless!

Friday, March 17, 2006

dream

I saw it…the blinding white light…last week…but I came back, thanks Ate Marie, for waking me up.
Weird dream, pero parang totoong totoo...at least I bounced back di ba?

Cheers to Longer Life!!!

Thursday, March 16, 2006

Well, well, well...

I'm back! Day 13 ko na post-transplant...
Sabihin na lang natin na hindi ako mukhang may sakit (except for bruises, etc) at this very moment na tina-type ko ito. Bumalik na yung daldal ko at nakakaikot ikot na ako sa room...
Very very different from how I looked last week...promise, worse days...yung sana matulog ka na lang ng tuloy -tuloy para paggising mo ok na ulit lahat...Pero ngayon na-realize ko na iba nga pala talaga ang fighting spirit ko, akala ko last week mamamatay na ako...hehehe...totoo! (Read my next entry)
But I'm back! So far, so good...No "drastic" reactions post-chemo and post-transplant, although hindi pa rin natatapos ang pagbabantay sa signs for possible GVHD or VOD or any other infections (at least 3months intensive, tas 1 year at least na isolated pa rin)
Hopefully, ok na lahat, at least yung "ok for discharge" mode na...gusto ko na umuwi...

Akala ko, kaya ko ma-"chronicle" dito yung transplant days ko, like what I tried to do nung early days...pero wala hindi ko na nagawa...Plan ko pag nasa bahay na ako at wala na ulit magawa, gagawa na lang ako ng isa pang blog na puro tungkol sa Leukemia days ko...yayay...with pictures and all...

andami kong gusto isulat at sabihin...garbled sa utak ko...ilang araw din kasing halos hindi ako makasalita kasi kinakapos na ako (as in ang baba ng energy)...ayan kulit na ulit!