Tuesday, January 24, 2006

...familia...

Miss You Guys!

More than a week na pero naaaliw pa rin akong balik-balikan ang saya at pagod na rin nung party ni Andrei...at masaya rin ako na naging instrument ang occasion na ito para makita ko uli ang miss na miss ko ng mga kaibigan...

Eto yung mga super long-time-no-see: TOP 5

1. my dearest Rhea - oo, wala siya sa day ng party pero ever present siya the day before...happy ako kasi kahit papano, we were able to catch up sa buhay ng isa't isa at makita na rin niya ang dearest inaanak niya...nakapag-kwentuhan kami, which is imposible atang mangyari kung nung party siya mismo nagpunta...hayy drama mode tayo pero super masaya ako...i'm happy you're ok...miss you girl!

2. Joel pogi - si Joshua 'to...shempre ako lang ang liseshadong tumawag sa kanya nyan sa mga pwends...harhar! Na-miss ko talaga 'to...Yihee, at feeling ko naman din na-miss niya ako...nakapag-kwentuhan naman kami in "our little moment" minutes before the party actually started...tawa pa kami ng tawa habang kinikwento ko sa kanya kung pano dudang-duda ako na siya yung ka-text ko regarding andrei's party...at lalo akong nagduda dahil super aga niya nagtext na andon na siya sa Don Henrico's...not very Joshua...hehe...Na-miss talaga kita dear, na-miss ko na ang matagal nating kwentuhan (hindi mo na alam ang mga nangyayari sa akin at ako sayo) at ang paghatid mo sa akin hanggang philcoa...sobrang out of the way pauwi sa inyo pero sige ka pa rin...at oo, hanggang ngayon iniisip ko kung bakit hindi naging tayo...hehehe...joke!

3. Rochelle - suuuppperr tagal na! Pero ur still the same...bait at malambing pa rin...Miss ko na ang project 6...at si crush natin! Pinagpalit na tayo...hmp, bruha yun inagaw sa atin! Hahaha! Usap tayo uli sa phone okei?!

4. Adorable - Ada, ang ninang doctor ni Andrei...hindi man lang tayo nakapag-kwentuhan! Grabe subsob sa aral ah...di bale malapit na...gimmick tayo 'pag free ka at pwede na ako...yikes "career people" na kayo! Hahaha! Ako batang-bata pa rin..."student"...hay, miss na kita...

5. Leonard! - hyper ako kasi ang payat mo! paano? pati si Mike hindi maka-recover...hanggang ngayon...

Sila yung Top 5...the rest, nakita ko naman kayo at least 2 weeks before the party! hahaha! but still I miss you guys...all of you...and it really mattered to me na makapunta kayo sa party na 'yon...hayy...drama mode forever!


PS
Para kay Fausti uli...open na ang comments...haha, bring it on!

Friday, January 20, 2006

...kulas...


andrei = gwapo

ang Mr. Incredible ng buhay ko...(drama mode...)

Jack-Jack forever!

Halo Halo

Thank you sa lahat ng pumunta sa birthday party ni Andrei!
I am very happy seeing all of you at syempre mixed emotions nanaman...ganun pala ang feeling ng mommy ng may birthday...hehehe!

We were all tired...hindi natulog maghapon si Andrei, pero maliban sa on-off downtimes niya with matching iyak-ala-JackJack, super taas ng energy niya! On our way home nakatulog na siya pero pagdating sa bahay, hala, alert na alert na naman! Pagkatapos ng sandaling pahinga, we opened the gifts! Fun! But the next step was to look for storage...grabe, puno na ang room ng gamit ni Andrei...I started moving out my stuff, as in naka-box na yung mga school things ko (T-square and all) tutal I'm not using those anytime soon...Wala pa rin...

Habang nagbubukas ng gifts at busy-ng busy si Andrei sa pagkalikot ng new toys niya...ako naman ay naglilista kung kanino galing ang aling gift...Hay, we had 3 gifts na walang tag, at isip ako ng isip kung kanino kaya galing ang alin...Syempre yung wala na lang sa list ang iisipin ko, pero basta mahirap pa rin...(nakakahiya kaya magtanong!) nahanap ko kung kanino yung 1, pero may 2 pa rin...wednesday na when I finally decided na mabuting i-text ko na lang para itanong pero mejo late na rin ata so hindi na lang din...anyway, kung kanino man galing yung 2 gifts na yon, maganda at very unique..thanks...hehehe


Vacation mode naman...
Every 2 years, we have our grand family reunion sa father side (grand kasi...wala lang...hehe) the last one I've attended, year 2000 pa sa New York/New Jersey/Pennsylvania...That time nakatayo pa ang twin towers...hayy...
This year uli...pero they've changed plans...after voting for Florida (cruise) two years ago, as this year's venue, mejo gusto nilang ibahin...sayang, kung makakapunta lang ako, I'd love to see Florida...
1996 - California
1998 - Manila + Samar
2000 - New York/New Jersey/Pennsylvania
2002 - Texas
2004 - Canada
2006 - ???

We're now choosing among these: Maryland(hello White House!), Virginia, balik uli sa California (cruise to Mexico daw! cool din!) at Florida pa rin...Majority votes win as usual...hayy gusto ko sumama...that is kung pwede lang with my condition at kung may pera pa pang-splurge...hmm...mas masaya pa naman sana kasi I can take Andrei with me...hayyy...
Last week of June...Vacation mode ako...Wish ko lang!!!


PS
Fausti (haha, magagalit yan sa akin...) ayan ha, nagpost ako...lagi ako nagne-net pero natatamad kasi ako magpost...di bale pagnapa-convert ko na to dsl yung net connection namin, magpopost ako ng mas madalas....walang konek, hehe pero sige gagawin ko yun...